Karagdagang Patakaran sa Privacy ng WhatsApp Status at Mga Channel
Magsisimula sa Hulyo 14, 2025
Mahahalagang update:
In-update namin ang Karagdagang Patakaran sa Privacy ng WhatsApp Channels para maging Patakaran sa Privacy ng Status at Mga Channel, na karagdagan sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp Kasama sa mga update:
- Pangalan at scope ng Patakaran sa Privacy Policy na ito: Pinapalitan ng Karagdagang Patakaran sa Privacy ng WhatsApp Status at Mga Channel (dating, ang Karagdagang Patakaran sa Policy ng Tab ng Mga WhatsApp Update) at ang Karagdagang Patakaran sa Provacy ng Mga Channel, at pinalalawak ang sckop nito para masakop ang Status at Mga Channel, kaysa sa Mga Channel lang.
- Mga Subscription sa Channel. Pwedeng mag-set up ang Mga Channel Admin ng subscription at mabayaran buwan-buwan sa pagbabahagi ng Mga Update sa Channel sa mga subscriber.
- Mga Ad sa Status at Mga Channel. Ipinapakilala namin ang mga ad sa Status at Mga Channel Halimbawa, makakapagbayad na ang Channel Admins para i-promote ang kanilang mga channel, kasama ang Channels Directory. Dagdag pa, makakapagbayad ang mga negosyo para magpakita ng mga ad sa Status. Magsisimulang magproseso ang WhatsApp ng karagdagang impormasyon para ibigay ang mga feature na ito, na inilalarawan namin sa ibaba. Dumarating lang ang mga ad sa Status at Mga Channel - hindi makikita ng mga tao ang mga ad sa kanilang chat list o mga personal na message. Ang iyong mga personal message at tawag ay naka-encrypt nang end-to-end at hindi magagamit para magpakita sa iyo ng mga ad. In-update namin ang Patakaran sa Privacy ng WhatsApp nang naaayon.
Ano ang Karagdagang Patakaran sa Privacy ng WhatsApp Status at Mga Channel?
Ang Karagdagang Patakaran sa Privacy ng WhatsApp Status at Mga Channel (“Patakaran sa Privacy ng Status at Mga Channel”) ay tumutulong na ipaliwanag ang aming mga kasanayan sa impormasyon kapag gumagamit ka ng mga optional feature tulad ng Status at Mga Channel. Kapag sinabi naming “WhatsApp”, “kami”, “amin” o “namin”, WhatsApp LLC ang tinutukoy namin.
Ang Patakaran sa Privacy ng Status at Mga Channel na ito na karagdagan sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp, na naaangkop sa lahat ng paggamit ng aming Mga Serbisyo, kasama ang Status ang Mga Channel. Ang anumang salitang naka-capitalize pero hindi tinukoy sa Patakaran sa Privacy ng Status at Mga Channel na ito ay may mga kahulugang na tinukoy sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp. Kung may anumang salungatan sa pagitan ng Patakarang ito sa Privacy ng Staus at Mga Channel at sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp, ang Patakaran sa Privacy ng Status at Mga Channel na ito ang mamamahala lang tungkol sa paggamit mo ng Status at Mga Channel at hanggang sa lawak lamang ng salungatan.
Ang Karagdagang mga Tuntunin ng Serbisyo para sa Status at Mga Channel ay naaangkop sa iyong paggamit ng Status at Mga Channel. Kung saan tinatanggap mo ang mga tuntuning ito, ang Patakaran sa Privacy ng Status at Mga Channel na ito ay pinapalitan ang Karagdagang Patakaran sa Privacy nang buo. Ang Mga Alituntunin ng WhatsApp Channels ay naaangkop din sa iyong paggamit ng Mga Channel.
Mahalagang tandaan na ang paggamit mo sa Status at Mga Channel ay hindi makakaapekto sa privacy ng mga personal mong message sa WhatsApp, na patuloy na magiging naka-encrypt nang end-to-end gaya ng inilalarawan sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp.
Ano ang sakop ng Patakaran sa Privacy ng Status at Mga Channel na ito?
Sakop ng Patakaran sa Privacy ng Status at Mga Channel na ito ang mga opsyonal na produkto, feature at serbisyo na available sa WhatsApp, kasama ang:
Status ang opsyonal na feature na pinapayagan ang mga user na i-share at i-share muli sa kanilang mga contact piniling audience mga bagay tulad ng mga litrato, video at text na mga update na nawawala mula sa view (“Mga Update sa Status”). Ang Mga Update sa Status ay naka-encrypt nang end-to-end kapag i-share mo ang mga ito sa WhatsApp.
Channels ay isang opsyonal, one-way na broadcasting feature na nasa WhatsApp, na hiwalay sa aming mga serbisyo sa pribadong messaging, na pinapayagan kang gumawa o mag-manage ng channel (kaya magiging Admin” ka ng Channel) kung saan ka puwedeng mag-share ng mga update para matingnan ng iba (“Mga Update sa Channel”). Pwede ka ring tumingin at makipag-interact sa Mga Update sa Channel, at i-follow ang ilang partikular na channel bilang follower (“Follower”). Ang mga hindi follower (“Mga Viewer”) ay pwede ring tingnan at makipag-interact sa Mga Update sa Channel.
Mga Subscription sa Channel ay mga channel na nagbibigay ng opsyon para mag-subscribe para sa fee para makatanggap ng Mga Update sa Channel na available lang sa mga subscriber (“Mga Update sa Subscription sa Channel”). Kung magsu-subscribe ka sa isang channel, naaangkop din ang Mga Tuntunin ng Serbisyo sa Mga Subscription sa Channel.
Mga Ad sa Status at Mga Channel. Ang mga advertiser, negosyo, organization at iba pa ay pwedeng magbayad para magpakita sa iyo ng mga ad sa Status at Mga Channel kasama ang mga promoted channel at mga ad sa Status. Pupunta ang mga ad sa Status at Mga Channel sa mga stage, kaya maaaring magtagal na makita mo ang mga ito.
Paano nito naaapektuhan ang aking regular na mga message at tawag sa WhatsApp?
Mahalagang tandaan na ang paggamit mo sa Status at Mga Channel ay hindi makakaapekto sa privacy ng mga personal mong message at mga tawag sa WhatsApp, na patuloy na magiging naka-encrypt nang end-to-end gaya ng inilalarawan sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp. Hindi namin gagamitin ang content ng iyong mga personal na message o tawag para magpakita sa iyo ng mga ad sa Status at Mga Channel.
Impormasyong Kinokolekta Namin
Ang Patakaran sa Privacy ng WhatsApp ay inilalarawan ang impormasyong kinokolekta sa aming Mga Serbisyo. Kapag gumagamit ka ng Status at Mga Channel, kinokolekta rin namin ang mga sumusunod:
Impormasyon sa Status at Mga Channel
- Channel Information. Para gumawa ng channel, dapat magbigay ang Mga Admin ng mga pangunahing impormasyon, kabilang ang pangalan para sa channel. Maaari ring piliin ng mga admin na magdagdag ng iba pang impormasyon, gaya ng natatanging pangalan ng Admin, icon, profile picture, paglalarawan, o mga link sa mga site ng third party.
- Mga Update sa Channel. Kinokolekta namin ang Mga Update sa Channel at Mga Update sa Subscription sa Channel na ginagawa o sine-share ng Mga Admin, gaya ng text, mga video, litrato, image, dokumento, link, gif, sticker, audio content, o iba pang mga uri ng content sa kanilang Channel para makita ng iba.
- Mga Follower, Viewer at iba pang mga koneksyon. Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa mga Follower at Viewer, gaya ng kanilang mga reaksyon, gustong wika, at mga channel na fina-follow nila.
- Impormasyon ng Paggamit At Log. Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa Status at Mga Channel, tulad ng nauugnay sa serbisyo, diagnostic, at impormasyon tungkol sa performance. Kinokolekta rin namin ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa at paggamit ng Status at Mga Channel, kasama ang mga uri ng mga channel na tinitingnan mo at naka-subscribe sa, at paano ka makipag-interact sa mga ito; kapag gumawa, mag-share, o i-delete ang content sa Status at Mga Channel; metadata tungkol sa Mga Channel, Mga Update sa Channel, Mga Update sa Subcription sa Channel at Mga Update sa Status; mga view at reaksyon ng mga audience; Mga feature at setting ng Status at Mga Channel na ginagamit mo at paano mo ginagamit at nakikipag-interact ka sa mga ito, at oras, dalas, at tagal ng iyong mga aktibidad sa Status at Mga Channel.
- Mga Ulat ng User. Pwedeng i-report sa amin ng mga user o third-party ang iyong channel o partikular na Mga Update sa Subscription sa Channel o Mga Update sa Status - halimbawa, para mag-report ng mga posibleng paglabag sa aming mga tuntunin o patakaran o lokal na batas. Kapag may nag-report, kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa nag-report na party at (mga) na-report na user, at iba pang impormasyong puwedeng makatulong sa pag-iimbestiga namin ng report, gaya ng mga nauugnay na channel o Mga Update sa Channel, mga interaction at aktibidad ng user, at iba pang impormasyon, gaya ng dami ng mga Follower na nag-mute sa isang Channel, at iba pang mga report ng user o mga enforcement action. Para alamin pa, tingnan ang aming Mga Alituntunin ng WhatsApp Channels at Mga Advanced na Feature sa Kaligtasan at Seguridad.
Impormasyon sa Channel Subscriptions.
- Impormasyon ng Admin para sa Subscriptions. Para sa Channel Subscriptions, dagdag pa rito nangongolekta kami ng impormasyon kapag i-set up at i-manage ng mga Admin ang kanilang channel subscription, tulad ng subscription pricing, billing at mga renewal period, mga pagkansela at termination, at mga payout method.
- Impormasyon ng Subscriber. Kung piliin mong mag-subscribe sa channel, nangongolekta kami ng impormasyon tulad ng mga channel na naka-subscribe ka, ang petsa ng pagsisimula at mga tuntunin ng pag-renew.
- Subscription Payment Information. Kung mag-subscribe ka channel, nangongolekta din kami ng impormasyon tulad ng iyong paraan ng pagbabayad at halaga ng transaksyon. Nakikipagtulungan kami sa maraming payment provider ng third-party tulad ng Apple App Store o Google Play, na magbibigay sa amin ng impormasyon tungkol sa iyong transaksyon, para iproseso ang iyong pagbabayad at i-manage ang iyong mga subscription.
Impormasyon ng Mga Ad
- Kung magpapakita kami sa iyong mga ad sa Status at Mga Channel, nangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa iyong mga interaction sa mga ito, tulad ng kung tingnan o i-tap mo ang isang ad, i-follow ang promoted channel, o mag-order o bumili sa WhatsApp. Nangongolekta rin kami ng impormasyon tungkol sa iyong mga interaction sa mga advertiser, tulad ng bilang ng message o tawag na natatanggap o ipinapadala mo sa advertiser pagkatapos ng pagkikipag-interact gamit ang isang ad.
Accounts Center Information
- Accounts Center. Kung piliin mong idagdag ang iyong WhatsApp account sa Accounts Center, pagsasamahin namin ang iyong impormasyon sa mga account sa parehong Accounts Center. Alamin pa ang tungkol sa impormasyon na kinokolekta ng WhatsApp kapag idagdag mo ang iyong account sa Accounts Center.
Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon
Ginagamit namin ang impormasyong kinokolekta namin sa mga sumusunod na karagdagang paraan:
- Magbigay ng Status at Mga Channel. Ginagamit namin ang impormasyon na mayroon kami para mag-operate, magbigay, at pagandahin ang Status at Mga Channel, kasama ang para magbigay sa iyo ng higit pang naka-personalize na experience. Halimbawa, pwede naming gamitin ang impormasyong ito para payagan kang gumawa, mag-follow, o makipag-interact sa Mga Channel at Status o Mga Update sa Channel at Mga Update sa Status, para tulungan kaming makapagbigay o makagawa ng mga karagdagang feature ng Status at Mga Channel, o para pagandahin ang karanasan mo gamit ang Status at Mga Channel gaya ng magpakita o magrekomenda sa iyo ng content na maaaring mas may kaugnayan at nakakainteresante sa iyo. Ang mga Update sa Status mismo ay naka-encrypt nang end-to-end.
- Unawain ang Paggamit sa Status at Mga Channel. Ginagamit namin ang impormasyon para sukatin at suriin ang bisa, performance, pagkamaaasahan, at pagiging efficient ng Status at Mga Channel, para maunawaan kung paano ginagamit at nag-i-interact ang mga tao sa Status at Mga Channel, at para malaman kung paano namin mapapaunlad at mapapahusay ang aming Mga Serbisyo.
- Mga karagdagang serbisyo para sa Mga Admin. Maaari kaming magbigay ng mga karagdagang serbisyo sa Mga Admin tulad ng pagbibigay sa kanila ng metrics tungkol sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga channel.
- Para sa Kaligtasan, Seguridad, At Integridad. Ginagamit namin ang impormasyong mayroon kami (kabilang ang Mga Update ng Channel at aktibidad mo sa Status) para matiyak ang kaligtasan, security, at integridad ng aming Mga Serbisyo, kabilang ang paglaban sa nakakasamang gawi; pagprotekta sa mga user laban sa mga masasama o mapinsalang karanasan, pagtukoy at pag-iimbestiga sa kahina-hinalang aktibidad o mga paglabag sa aming mga tuntunin at patakaran, kabilang ang aming Mga Alituntunin ng WhatsApp Channels, at pagtiyak na nagagamit sa legal na paraan ang aming Mga Serbisyo, kabilang ang Status at Mga Channel.
Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon para sa Mga Ad sa Status at Mga Channel
- Kung magpapakita kami sa iyo ng mga ad sa tatus at Mga Channel, pagkatapos ay gagamit din kami ng mga limitadong uri ng impormasyon para ibigay at sukatin ang aming mga serbisyo sa pag-a-advertise. Kasama rito ang pangunahing impormasyon ng account tulad ng code ng bansa, impormasyon ng device tulad ng wika, pangkalahatang (hindi eksaktong) lokasyon, at aktibidad sa status at Mga Channel tulad ng mga pina-follow na channel at impormasyon ng interaction ng ad. Gusto naming magpakita sa iyo ng mga nakakainteresante at may kaugnayan na ad, kaya kung magpakita kami sa iyo ng mga ad, ginagamit namin ang impormasyong ito para gumawa ng mga inference at i-personalize ang mga ad na ipinapakita namin sa iyo at sukat ang kanilang performance.
- Nagbibigay din kami ng measurement, analytics at mga serbisyo ng negosyo sa pamamagitan ng pagtulong sa mga advertiser, negosyo at iba pang measure kung paano ang perfomance at gumagana ang kanilang mga ad.
Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon para sa Channel Subscriptions
Kung gagamit ka ng Channel Subscriptions, alinman bilang Admin o subscriber, pagkatapos ay gagamitin din namin ang impormasyon na mayroon kami para magbigay at i-manage ang Channel Subscriptions, kasama ang pagsisimula, pag-renew at pagtapos ng mga subscription; pag-manage ng mga pagbabayad at payout; at ginagawang available sa mga subscriber ang Mga Update sa Channel Subscription.
Paano ibinabahagi ang impormasyon
Ibinabahagi ang impormasyon ng Status at Mga Channel sa mga sumusunod na paraan:
- Pampublikong Impormasyon. Tandaang naka-public at available sa iba ang Mga Update sa Channel, Mga Update sa Subscription sa Channel at ang impormasyong ibinabahagi ng Mga Admin sa Channels, sasailalim sa sinumang audience, subscription o mga setting ng privacy. Ang mga Update sa Status ay nakikita sa iyong mga contact o ang audience na pinipili mo. Dapat mong tandaan na pwedeng kumuha ng mga screenshot o recording ng impormasyon na ibinabahagi mo sa Status at Mga Channel, kasama ang Mga Update sa Channel at Mga Update sa Status, at ipadala ang mga ito sa WhatsApp o sa kahit sino, o i-share, i-export, o i-upload ang mga ito sa labas ng aming Mga Serbisyo.
- Pag-click sa Mga Naka-embed na Link. Kahit saan sa WhatsApp, maaari kang mag-click sa mga link sa mga site ng third-party sa Status at Mga Channel tulad ng mga link sa Mga Update sa Channel at Mga Update sa Status. Kung iki-click mo ang mga nasabing link, maaaring nagpapadala ka ng impormasyon sa mga site ng mga naturang third-party. Pakitandaan na kapag pumunta ka sa mga site ng third-party, mananaig ang kanilang mga sariling tuntunin at patakaran sa privacy ang paggamit mo ng mga naturang serbisyo at produkto.
- Mga Audience. Makikita ng mga Admin kung sino ang nagpa-follow at nagsu-subscribe sa kanilang mga channel. Nakikita ng mga user kung sino ang tumitingin o nagre-react sa kanilang Mga Update sa Status.
- Mga Service Provider ng Third-Party at Mga Kumpanya ng Meta. Nakikipagtulungan kami sa mga third-party na service provider at iba pang Mga Kumpanya ng Meta para tulungan kaming paganahin, ibigay, mapahusay, maunawaan, at suportahan ang Status at Mga Channel. Nakikipagtulungan din kami sa Mga Kumpanya ng Meta para tulungan kaming i-promote ang kaligtasan, seguridad, at integridad sa Status at Mga Channel at aming Mga Serbisyo, kabilang ang paggamit ng mga tool sa pag-detect at pagsukat na gumagamit ng kumbinasyon ng mga classifier, content na available sa amin at behavioral signals, human review, at mga report ng user—para sa maagap at reactive na paraan na matukoy ang posibleng lumalabag na content o paggamit ng Status at Mga Channel. Kapag nakatanggap ng impormasyon ang mga service provider ng third-party at iba pang Mga Kumpanya ng Meta sa ganitong kapasidad, hinihingi namin sa kanila na gamitin ang iyong impormasyon sa ngalan namin alinsunod sa aming mga instruksyon at tuntunin.
- Accounts Center. Kung idinagdag mo ang iyong WhatsApp account sa Accounts Center, tingnan dito para malaman ang tungkol sa kung paano ibabahagi ang iyong impormasyon.
Ang impormasyon na kaugnay sa mga subscription ay ibinabahagi bilang sumusunod:
- Mga payment provider. Nakikipagtulungan kami sa Third Party Payment Providers kasama ang Google Play Store at Apple App Store para iproseso ang mga pagbabayad at transaksyon tulad ng kapag nag-subscribe ka sa channel. Nagbabahagi kami ng impormasyon sa mga third-party payment provider na ito tulad ng authentication at impormasyon ng transaksyon. Pakitandaan na kapag gumamit ka ng mga third-party platform payment provider services, ang kanilang mga sariling tuntunin at patakaran sa privacy pamamahalaan ang paggamit mo ng mga naturang serbisyo.
Ang impormasyon na kaugnay sa mga ad ay ibinabahagi gaya ng sumusunod:
- Binibigyan namin ang mga negosyo at Admin na nag-a-advertise sa WhatsApp ng mga report sa kanilang ad performance, tulad ng kung nakakatanggap ang ad ng mataas na pakikipag-ugnayan o hindi magandang feedback.
- Kung idinagdag mo ang iyong WhatsApp account sa Accounts Center, ang iyong impormasyon ay pagsasamahin at gagamitin sa mga account sa parehong Accounts Center, kasama ang para i-personalize ang mga ad para sa iyo at iba pa at susukatin kung paano mag-perform ang mga ito.
Pamamahala At Pagpapanatili sa Iyong Impormasyon
Pwede mong i-access, i-manage o i-port ang iyong impormasyon sa Channels gamit ang aming in-app na mga setting na nakasaadPatakaran sa Privacy ng WhatsApp.
- Pagpapanatili ng iyong naka-public na Mga Update sa Channel at Mga Update sa Subscription sa Channel para sa mga subscriber. Sa ordinaryong takbo ng pagbibigay ng Channels, sino-store namin ang Mga Update sa Channel at Mga Update sa Subscription sa Channel sa aming mga server sa loob ng hanggang 30 araw, sasailalim sa kaligtasan, seguridad at integridad o iba pang legal o obligasyon sa pagsunod na maaaring mangailangan ng mas matagal na pananatili, at higit pang sasailalim sa anumang archive option na pinili ng Mga Admin. Ang Mga Update sa Channel at Mga Update sa Subscription sa Channel ay maaaring manatili sa mga device ng Mga Viewer, Follower, o mga subscriber ng mas mahabang panahon, bagama’t maaari kaming magbigay ng mga opsyon para sa mga update para mas mabilis na mawala, halimbawa paglatapos ng 7 araw o 24 na oras kung pipiliin ng Mga Admin.
- Pagpapanatili ng iyong impormasyon sa Status at Mga Channel. Sino-store namin ang iba pang Impormasyon na Kinokolekta namin basta kinakailangan para sa layuning tinukoy sa Patakaran sa Privacy ngStatus at Mga Channel na ito, at ang Patakaran sa Privacy ng WhatsApp, kabilang ang ibigay ang Status at Mga Channel o para sa iba pang lehitimong layunin, gaya ng pagsunod sa mga legal na obligasyon, pagpapatupad at pag-iwas sa mga paglabag sa aming mga tuntunin at patakaran, o pagprotekta o pagdepensa sa aming mga karapatan, pag-aari, at mga user. Ang tagal ng pagso-store ay tinutukoy ayon sa sitwasyon na nakadepende sa mga salik gaya ng katangian ng impormasyon, bakit ito kinokolekta at pinoproseso, mga may kaugnayang legal o pang-operasyong pangangailangan sa pagpapanatili, at mga legal na obligasyon.
- Pag-delete sa Channel mo. Kung isa kang Admin, ang pag-delete sa Channel mo ay inaalis ang channel at Mga Update sa Channel kung saan hindi na ito maa-access ng iba pang mga user sa pamamagitan ng Mga Channel. Tandaan para sa mga teknikal na dahilan inaabot ito nang hanggang 90 araw mula sa pagsisimula ng pag-delete ng proseso para i-delete o de-identify ang iyong impormasyon sa aming mga server. Maaari rin naming panatilihin ang ilan sa impormasyon mo kung kinakailangan para sa mga bagay gaya ng pagsunod sa mga legal na obligasyon, mga paglabag sa aming mga tuntunin at patakaran, o mga hakbang para maiwasan ang panganib. Pakitandaan na kapag i-delete mo ang channel mo, hindi ito makakaapekto sa impormasyon at content na maaaring ituloy ng ibang user, gaya ng kopya ng Mga Update sa Channel na naka-save nang local sa kanyang device o na-forward sa iba pang mga user o na-share sa labas ng aming Mga Serbisyo.
- Delete ng iyong Mga Update sa Status Update. Mawawala ang Mga Update sa Status pagkatapos ng 24 na oras, pero pwede mong i-delete ang mga ito nang mas maaga mula sa mismo sa Update sa Status.
- Pag-alis sa Mga Update sa Channel. Pwedeng alisin ng Mga Admin ng Mga Update sa Channel ng hanggang 30 araw pagkatapos ma-post.
Pwede mong i-access, i-manage o i-port ang iyong impormasyon ng mga ad gamit ang aming in-app na mga setting na nakasaadPatakaran sa Privacy ng WhatsApp.
Pwede mong alamin pa ritoang tungkol sa aming mga kasanayan sa pag-delete at pag-retain ng data at tungkol sa kung paano ide-delete ang iyong account.
Mga Update sa Aming Patakaran
Puwede naming baguhin o i-update ang Patakaran sa Privacy na ito ng Status at Mga Channel. Bibigyan ka namin ng abiso tungkol sa mga pagbabago o mga update ayon sa nararapat, at ia-update ang petsa ng Pagkakaroon ng Bisa sa itaas. Mangyaring suriin ang aming Patakaran sa Privacy ng Status at Mga Channel paminsan-minsan.