Makakuha ng access sa mga intermediate at advanced na feature

Para sa access sa mga intermediate at advanced na feature, kailangan ng mga creator sa YouTube na kumpletuhin ang mga hakbang sa pag-verify na ipinapaliwanag sa artikulong ito. Pinapanatili ng mga pag-verify na ito na ligtas ang komunidad ng YouTube sa pamamagitan ng mas pagpapahirap para sa mga scammer, spammer, at iba pang bad actor na magdulot ng pinsala.

Tandaan: Ang mga pangunahing may-ari ng channel lang ang makakapag-verify sa kanilang pagkakakilanlan para makakuha ng access sa mga karagdagang feature. Posible ring may hiwalay na mga requirement sa pagiging kwalipikado ang ilang feature.

I-access ang mga intermediate na feature

Kumpletuhin ang pag-verify gamit ang telepono

Kung kukumpletuhin mo ang pag-verify gamit ang telepono, magkakaroon ka ng access sa mga intermediate na feature. Mula rito, malalaman mo kung paano i-access ang mga advanced na feature.

  1. Sa isang computer, mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. I-click ang Mga Setting.
  3. I-click ang Channel.
  4. I-click ang Pagiging kwalipikado sa feature at pagkatapos ay Mga intermediate na feature at pagkatapos ay I-VERIFY ANG NUMERO NG TELEPONO.

Hihilingin sa iyong maglagay ng numero ng telepono. Magpapadala kami ng code sa pag-verify sa pamamagitan ng text o voice call sa numero ng teleponong iyon.

I-access ang mga advanced na feature

Kasama sa mga advanced na feature, halimbawa, ang mga naka-pin na komento at mas matataas na pang-araw-araw na limitasyon sa pag-upload. Makakakuha ng access sa mga advanced na feature ang mga creator sa pamamagitan ng:

  1. Pagkumpleto sa pag-verify gamit ang telepono
  2. Pagbuo ng sapat na history ng channel o pag-verify sa pagkakakilanlan gamit ang valid na ID o video
    • Tandaan: Hindi available ang pag-verify ng ID at pag-verify sa pamamagitan ng video sa lahat ng creator. 
Kapag hindi sumunod sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube, maaantala ang pagiging kwalipikado sa feature. Para sa mga creator na may access na sa advanced na feature, puwede kang hindi maging kwalipikado sa feature sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa Mga Alituntunin ng Komunidad at hindi pagpapanatili ng positibong history ng channel.

Hakbang 1. Kumpletuhin ang pag-verify gamit ang telepono

Para i-verify ang iyong numero ng telepono:

  1. Sa isang computer, mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. I-click ang Mga Setting.
  3. I-click ang Channel.
  4. I-click ang Pagiging kwalipikado sa feature at pagkatapos ay Mga intermediate na feature at pagkatapos ay I-VERIFY ANG NUMERO NG TELEPONO.
  5. Maglagay ng numero ng telepono. Magpapadala kami ng code sa pag-verify sa pamamagitan ng text o tawag sa telepono sa numerong iyon.

Hakbang 2. Bumuo ng history ng channel o i-verify gamit ang ID o video

Pagkatapos kumpletuhin ang hakbang na pag-verify gamit ang telepono, ang susunod ay puwede mong piliing bumuo ng sapat na history ng channel o kumpletuhin ang pag-verify gamit ang ID o video. Tandaang hindi available ang pag-verify ng ID at pag-verify sa pamamagitan ng video sa lahat ng creator.

Buuin at panatilihin ang history ng iyong channel

Ang history ng channel mo ay record ng iyong:

  • Aktibidad ng channel (gaya ng mga pag-upload ng video, live stream, at engagement ng audience)
  • Personal na data na nauugnay sa iyong Google Account:
    • Kung kailan at paano ginawa ang iyong account
    • Kung gaano kadalas na ginagamit ang iyong account
    • Ang iyong paraan ng pagkonekta sa mga serbisyo ng Google
Tandaan: May sapat nang history ng channel ang karamihan ng mga aktibong channel para ma-unlock ang mga advanced na feature. Pero nauunawaan naming nagkakamali kami kung minsan, kaya nag-aalok din kami ng mga opsyong pag-verify ng ID at pag-verify sa pamamagitan ng video para sa mas mabilis na pag-access.

Kumpletuhin ang pag-verify ng ID

Para i-verify ang pagkakakilanlan gamit ang valid na ID:

  1. Sa isang computer, mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. I-click ang Mga Setting.
  3. I-click ang Channel.
  4. I-click ang Pagiging kwalipikado sa feature at pagkatapos ay Mga advanced na feature at pagkatapos ay I-ACCESS ANG MGA FEATURE.
  5. Piliin ang Gamitin ang iyong ID, pagkatapos ay i-click ang Kunin ang email. Magpapadala ng email ang Google. Puwede ka ring mag-scan na lang ng QR code.
  6. Sa iyong telepono, buksan ang email at i-tap ang Simulan ang pag-verify.
  7. Basahin ang paliwanag ng kung paano gagamitin ng Google ang iyong ID at kung paano iso-store ang ID mo. Para magpatuloy sa pag-verify, i-click ang Sumasang-ayon ako.
  8. Sundin ang mga prompt para kumuha ng larawan ng iyong ID. Tandaan: Tiyaking tumutugma ang petsa ng kaarawan sa ID mo sa petsa ng kaarawan na nakasaad sa iyong Google Account.
  9. I-click ang Isumite. Kapag naisumite na, susuriin namin ang iyong ID. Karaniwang inaabot ito nang 24 na oras.

Matuto pa tungkol sa kung paano ginagamit ang iyong data ng pag-verify ng ID.

Kumpletuhin ang pag-verify sa pamamagitan ng video

Para i-verify ang pagkakakilanlan gamit ang video:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. I-click ang Mga Setting .
  3. I-click ang Channel.
  4. I-click ang Pagiging kwalipikado sa feature at pagkatapos ay Mga advanced na feature at pagkatapos ay I-ACCESS ANG MGA FEATURE.
  5. Piliin ang Gamitin ang pag-verify sa pamamagitan ng video, pagkatapos ay i-click ang Susunod at Makatanggap ng email.
    • Papadalhan ka ng Google ng email. Puwede ka ring mag-scan na lang ng QR code.
  6. Sa iyong telepono, buksan ang email at i-tap ang Simulan ang pag-verify.
  7. Sundin ang mga prompt para magsagawa ng pagkilos, tulad ng pagsunod sa isang tuldok, o pagbaling ng iyong ulo.
  8. Kapag tapos nang i-upload ang iyong video ng pag-verify, susuriin namin ang video mo.
    • Karaniwang inaabot ang pagsusuri nang 24 na oras. Makakatanggap ka ng email kapag naaprubahan na ito.

Matuto pa tungkol sa kung paano ginagamit ang iyong data ng pag-verify sa pamamagitan ng video.

Tandaan: Kadalasang dine-delete ang iyong pag-verify ng ID o pag-verify sa pamamagitan ng video sa loob ng ilang buwan matapos kang makabuo ng sapat na history ng channel, o makalipas ang 1 taon kung hindi ka gumamit ng mga advanced na feature.

Mag-troubleshoot ng mga problema

Maunawaan ang naantala o pinaghihigpitang feature access

Tingnan sa ibaba ang mga halimbawa ng mga pagkilos na puwedeng magresulta sa mga pagkaantala o mas pinaghihigpitang level ng feature access para sa isang channel. Tandaang hindi ito kumpletong listahan:

  • Pagkakaroon ng strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad
  • Paulit-ulit na pag-post ng parehong content sa isa o higit pang channel, o paulit-ulit na pag-upload ng content na hindi mo pagmamay-ari at hindi EDSA
  • Paulit-ulit na pag-post ng mga mapang-abuso, mapoot, mapanganib, sekswal, marahas, at/o mapanligalig na video o komento
  • Pag-spam, pag-scam, paggamit ng nakakalinlang na metadata, hindi tumpak na pag-uulat, o iba pang mapanlinlang na kagawian
  • Cyberbullying
  • Pagpapanggap na ibang tao
  • Paglabag sa aming patakaran sa kaligtasan ng bata
  • Pagpapanatili ng mga channel na nauugnay sa ibang channel na lumalabag sa patakaran (halimbawa, isang paulit-ulit na spammer o scammer na nagmamay-ari ng maraming channel)
  • Pagkakaroon ng mga strike sa copyright

Makakuha ng access sa mga intermediate at advanced na feature

Kung paghihigpitan ang iyong access sa anumang advanced na feature, makakatanggap ka ng email. Mare-restore ng mga creator ang access sa pamamagitan ng pagpapahusay ng history ng channel nila o pag-verify ng pagkakakilanlan gamit ang valid na ID o video. Tandaang hindi available ang pag-verify ng ID at pag-verify sa pamamagitan ng video sa lahat ng creator.

Ang mga aktibong channel na tuloy-tuloy na sumusunod sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube ay karaniwang makakabuo ulit ng sapat na history ng channel sa loob ng 2 buwan.

Para makita kung ano ang kailangan mong gawin para ma-access ang mga advanced na feature, puwede mong tingnan ang iyong kasalukuyang status ng pagiging kwalipikado sa feature sa YouTube Studio.

Mga karaniwang mensahe ng error at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito

  • "Hindi available para sa account na ito ang mga advanced na feature ng YouTube": Nangangahulugan ito na naka-sign in ka sa isang account kung saan hindi ikaw ang pangunahing may-ari. Puwede itong mangyari kung naka-sign in ka sa isang account na pinapamahalaan ng magulang, o naka-sign in ka sa isang Brand Account.
  • "Tingnan ang iyong browser": Hindi compatible ang browser mo. Tiyaking i-update ang iyong device sa pinakabagong operating system at bersyon ng browser. 
  • "Hindi gumagana ang pag-verify ng ID sa camera ng teleponong ito": Hindi compatible ang iyong camera. Mag-sign in sa teleponong may full HD na camera sa likod para isumite ang iyong ID.
  • "Posibleng ginagamit ng ibang application ang iyong camera. Isara ang mga nakabukas na app at subukan ulit": Nangangahulugan itong ginagamit ng ibang app ang iyong camera. Isara ang iyong mga nakabukas na app at subukan ulit.

Mga Madalas Itanong (FAQ)

Bakit hinihingi ng YouTube ang aking numero ng telepono / pag-verify sa pamamagitan ng video / valid na ID?

Winawakasan ng YouTube ang milyon-milyong channel bawat taon dahil sa lumalabag na content at gawi. Marami sa mga channel na ito ay ginawa ng mga pare-parehong grupo at indibidwal, na gumagamit o labis na gumagamit ng mga pare-parehong uri ng mga feature sa pagtatangkang dayain, i-scam, o abusuhin ang mga manonood, creator, at advertiser. Ang pag-verify sa iyong pagkakakilanlan ay isang paraan ng pangangasiwa namin sa pang-aabuso at pagtukoy kung nalabag mo dati ang aming patakaran, at pagbabawal sa mga umuulit na application.

Paano ginagamit ang aking data ng pag-verify ng ID at pag-verify sa pamamagitan ng video?

Numero ng telepono

Kung pipiliin mong magsumite ng numero ng telepono, gagamitin namin ito para:

  • Magpadala sa iyo ng code sa pag-verify.

Pag-verify ng ID

Kapag nagsumite ka na ng valid na ID (tulad ng passport o lisensya sa pagmamaneho), gagamitin namin ito para kumpirmahin ang mga sumusunod:

  • Petsa ng iyong kapanganakan
  • Napapanahon at valid ang iyong ID
  • Hindi ka nasuspinde dati para sa paglabag sa mga patakaran ng YouTube

Makakatulong din ito sa aming labanan ang panloloko at pang-aabuso, at posibleng mapahusay nito ang aming mga system ng pag-verify.

Awtomatikong ide-delete ang iyong ID o pag-verify sa pamamagitan ng video sa Google Account mo sa loob ng 2 taon. Kadalasan, dine-delete ito sa loob ng ilang buwan matapos mong makabuo ng sapat na history ng channel o makalipas ang 1 taon kung hindi ka gumamit ng mga advanced na feature. Matuto pa tungkol sa kung paano i-delete ang iyong data para sa pag-verify.

Pag-verify sa pamamagitan ng video

Ang pag-verify sa pamamagitan ng video ay isang maikling video ng mukha ng tao. Gagamitin namin ang video na ito para tulungan kaming i-verify na:

  • Totoong tao ka
  • Nasa hustong gulang ka na para gumamit ng mga serbisyo ng Google
  • Hindi ka pa nasususpinde dahil sa paglabag sa mga patakaran ng YouTube

Makakatulong din ito sa aming labanan ang panloloko at pang-aabuso, at posibleng mapahusay nito ang aming mga system ng pag-verify.

Awtomatikong ide-delete ang iyong ID o pag-verify sa pamamagitan ng video sa Google Account mo sa loob ng 2 taon. Kadalasan, dine-delete ito sa loob ng ilang buwan matapos mong makabuo ng sapat na history ng channel o makalipas ang 1 taon kung hindi ka gumamit ng mga advanced na feature. Matuto pa tungkol sa kung paano i-delete ang iyong data para sa pag-verify.

Pagpapanatili at pag-delete ng data

Puwede mong i-delete ang iyong pag-verify ng ID o pag-verify sa pamamagitan ng video anumang oras sa Google Account mo. Tandaang kung ide-delete mo ang alinman sa mga ito bago mo mabuo ang history ng iyong channel sa YouTube, hindi mo magagamit ang mga advanced na feature ng YouTube maliban na lang kung:

  •  Bubuuin mo ang history ng iyong channel sa YouTube

O

  • Kukumpletuhin mo ulit ang pag-verify ng ID o pag-verify sa pamamagitan ng video

Para tiyaking hindi maiiwasan ng mga indibidwal o grupo ang aming mga paghihigpit sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagong account, sinusuri namin kung posibleng lumabag ka dati sa mga patakaran ng YouTube at ipinagbabawal namin ang mga umuulit na application. Puwedeng i-save ng Google ang ID o video mo at ang data ng pagkilala sa iyong mukha sa loob ng isang partikular na yugto ng panahon para makapagbigay ng proteksyon laban sa pang-aabuso.

Papanatilihin ang data na ito sa loob ng hanggang 3 taon mula sa iyong huling paggamit ng YouTube.

Kung ayaw mong magbigay ng ID o pag-verify sa pamamagitan ng video para i-unlock ang mga advanced na feature, hindi mo ito kailangang gawin. Sa halip, puwede kang bumuo ng sapat na history ng channel anumang oras. Pagdating ng panahong handa ka nang i-unlock ang mga advanced na feature, malamang ay nakabuo ka na rin ng sapat na history.

Kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo, ipinagkakatiwala mo sa amin ang iyong impormasyon. Nauunawaan naming malaki itong responsibilidad, at nagsisikap kaming protektahan ang iyong impormasyon at bigyan ka ng kontrol dito. Nalalapat dito ang patakaran sa privacy ng Google, tulad ng paglalapat nito sa lahat ng aming produkto at feature.

Tandaan: Hindi namin kailanman ibinebenta ang iyong personal na impormasyon sa kahit na sino.

Nakapag-verify na ako, bakit hinihiling sa akin na mag-verify ulit?

Para matiyak na nakakasunod kami sa mga responsableng kagawian sa data, awtomatikong dine-delete ang iyong pag-verify ng ID o pag-verify sa pamamagitan ng video kapag nagkaroon ka na ng sapat na history ng channel o puwede itong i-delete kung hindi ka gumamit ng mga advanced na feature sa loob ng 1 taon. Puwede mo ring piliing i-delete ang iyong pag-verify ng ID o pag-verify sa pamamagitan ng video anumang oras sa Google Account mo.

Kung na-delete ang iyong pag-verify, kakailanganin mong magkaroon ng sapat na history ng channel o magsumite ulit ng pag-verify ng ID o pag-verify sa pamamagitan ng video para patuloy na magamit ang mga advanced na feature.

Tandaang ang mga creator na pipiliing i-unlock ang mga advanced na feature sa pamamagitan ng pag-verify ng ID o pag-verify sa pamamagitan ng video ay kailangan pa ring sumunod sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube at magpanatili ng positibong history ng channel. Ang mga creator na hindi makakabuo at magpapanatili ng sapat na history ng channel ay posibleng mawalan ng kanilang access sa mga advanced na feature at puwede silang magsumite ulit ng pag-verify ng ID o pag-verify sa pamamagitan ng video para ma-restore ang access.

Paano ko made-delete ang aking data para sa pag-verify?

Mahalaga: Kung ide-delete mo ang iyong ID o pag-verify sa pamamagitan ng video bago mo mabuo ang history ng channel mo, mawawalan ka ng access sa mga advanced na feature.
  1. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Personal na impormasyon.
  3. I-click ang Dokumento ng pagkakakilanlan o Pag-verify sa pamamagitan ng video.
  4. I-click ang I-delete I-delete.
Matuto pa tungkol sa kung paano i-delete ang iyong data para sa pag-verify.
Bakit kinakailangan ng smartphone? Hindi ba puwedeng mag-upload na lang ako ng video o larawan ng aking ID?

Kinakailangan ang isang smartphone dahil nagbibigay ito ng karagdagang seguridad na kinakailangan para maging mas mahirap para sa mga scammer at spammer na makapagdulot ng pinsala.

Hindi ko pa natatanggap ang code sa pag-verify sa aking telepono. Ano'ng mali?

Dapat matanggap mo kaagad ang code. Kung hindi mo pa ito natatanggap, puwede kang humiling ng bagong code. Tiyaking hindi mo nararanasan ang isa sa mga karaniwang problemang ito:

  • Posibleng maantala ang pagpapadala ng text message.. Posibleng mangyari ang mga pagkaantala sa matataong lugar, o kung wala kang malakas na signal. Kung mahigit ilang minuto ka nang naghihintay at hindi mo pa rin natatanggap ang aming text message, subukan ang opsyong voice call.
  • Kung nakapag-verify ka na ng 2 channel gamit ang 1 numero ng telepono, kakailanganin mong mag-verify ng ibang numero ng telepono. Para makatulong na maiwasan ang pang-aabuso, nililimitahan namin ang bilang ng mga channel na puwedeng iugnay sa bawat numero ng telepono.
  • Hindi sinusuportahan ng ilang bansa/rehiyon at carrier ang mga text message mula sa Google. Sinusuportahan ng karamihan ng mobile carrier ang mga text message mula sa Google. Kung hindi sinusuportahan ng iyong carrier ang mga text message mula sa Google, puwede mong subukan ang opsyong voice call, o puwede kang gumamit ng ibang numero ng telepono.
Tinanggihan ang pag-verify ng valid na ID ko. Ano ang puwede kong gawin?

Kung tinanggihan ang iyong unang pagsubok, aabisuhan ka sa pamamagitan ng email. Inirerekomenda naming suriin mo ang mga tip sa iyong email at tiyaking ang ID mo ay:

Kung hindi matagumpay ang pangalawang pagsubok, kailangan mong maghintay nang 30 araw bago subukan ulit ang isa sa mga paraan ng pag-verify. Puwede ka ring maghintay at bumuo na lang ng history ng channel.

Tinanggihan ang pag-verify ko sa pamamagitan ng video. Ano ang puwede kong gawin?

Kung tinanggihan ang iyong unang pagsubok, aabisuhan ka sa pamamagitan ng email. Inirerekomenda naming suriin mo ang mga tip sa iyong email at tiyaking:

  • Itapat ang iyong telepono sa mata mo sa harap ng iyong mukha
  • Mag-record sa lugar na may maayos na ilaw, na hindi masyadong maliwanag o masyadong madilim
  • Sundin ang mga prompt para magsagawa ng aksyon, tulad ng pagsunod sa isang tuldok, o pagbaling ng iyong ulo
  • Ikaw lang ang taong nasa video
  • Kumonekta sa Wi-Fi network

Kung hindi matagumpay ang pangalawang pagsubok, kailangan mong maghintay nang 30 araw bago subukan ulit ang isa sa mga paraan ng pag-verify. Kung sa tingin mo ay dapat na inaprubahan ang iyong pangalawang pag-verify sa pamamagitan ng video, puwede mo itong iapela at ipaalam sa amin kung bakit. Puwede ka ring maghintay at bumuo na lang ng history ng channel.

Bakit hindi ko makita ang opsyong kumpletuhin ang pag-verify ng ID o pag-verify sa pamamagitan ng video?

Hindi available ang pag-verify sa pamamagitan ng ID at video sa lahat ng creator. Sa halip, puwedeng bumuo ang mga creator ng sapat na history ng channel para ma-access ang mga advanced na feature. Tandaang puwede mong tingnan ang iyong kasalukuyang status ng pagiging kwalipikado sa feature sa YouTube Studio at tingnan din kung ano ang kailangan mong gawin para ma-access ang mga advanced na feature.
Paano ito gumagana para sa mga channel na may maraming user?

Kung mayroon kang Brand Account:

Ang pangunahing may-ari lang ng channel ang magiging kwalipikadong magsagawa ng pag-verify ng pagkakakilanlan. Depende sa kanilang status sa pag-verify, magkakaroon ng access sa mga parehong feature kagaya ng pangunahing may-ari ang lahat ng user ng channel.

Kung wala kang Brand Account:

Ang may-ari lang ng channel ang magiging kwalipikadong magsagawa ng pag-verify ng pagkakakilanlan. Depende sa kanilang status sa pag-verify, magkakaroon ng access sa mga parehong feature kagaya ng may-ari ang lahat ng user ng channel.

Paano ito naiiba sa pagtatantya ng edad?

Magkaiba ang pag-verify para sa mga advanced na feature at ang aming model sa pagtatantya ng edad. Kung matutukoy ang user ng aming model sa pagtatantya ng edad na wala pa siyang 18 taong gulang, ilalapat sa kanyang account ang mga karaniwang proteksyon ng teenager. May opsyon ang mga user na i-verify ang kanilang edad sa pamamagitan ng pagbibigay ng selfie, ID na bigay ng gobyerno, o impormasyon ng credit card.

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
8004294526851502417
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
59
false
false
false
false