Ang contact sa pag-recover ay isang pinagkakatiwalaang taong may Google Account na makakatulong sa iyo na makabalik sa account mo kung hindi ka makapag-sign in. Puwede kang magkaroon ng hanggang 10 contact sa pag-recover para sa iyong account.
Siguraduhing ang contact sa pag-recover na pipiliin mo ay:
- Lubos mong kilala at pinagkakatiwalaan, tulad ng miyembro ng pamilya o malapit na kaibigan.
- Makakasagot sa loob ng 15 minuto kung kailangan mo ng tulong sa iyong account.
Mga Tip:
- Iba ang contact sa pag-recover sa iyong email sa pag-recover.
- Ang iyong email sa pag-recover ay ibang email address na:
- Tumutulong sa iyo na ma-recover ang Google Account mo kung hindi ka makapag-sign in dito.
- Nakakakuha ng mga alerto at notification sa seguridad, tulad ng mga kahina-hinalang pagtatangka sa pag-log in sa iyong account.
- Tumutulong lang ang contact sa pag-recover na makabalik ka sa iyong account, at hindi nito nakukuha ang iyong mga alerto at notification sa seguridad.
Magdagdag ng contact sa pag-recover
- Hindi puwedeng magkaroon ng contact sa pag-recover ang mga Google Account na naka-enroll sa Programang Advanced na Proteksyon at mga Google Workspace account. Gayunpaman, puwede silang gumanap bilang contact sa pag-recover para sa iba pang kwalipikadong Google Account.
- Hindi puwedeng magdagdag ng mga contact sa pag-recover o gumanap bilang contact sa pag-recover para sa iba ang mga child account.
- Buksan ang iyong Google Account.
- I-tap ang Seguridad at pag-sign in.
- Sa seksyong “Paano ka nagsa-sign in sa Google,” i-tap ang Mga contact sa pag-recover.
- Posibleng kailanganin mong mag-sign in.
- I-tap ang Magdagdag ng contact sa pag-recover.
- Ilagay ang email address ng isang pinagkakatiwalaang tao.
- Kapag nagsimula ka nang maglagay ng email address, makakakita ka ng isang hanay ng mga suhestyon mula sa iyong mga contact at opsyon sa auto-complete. Puwede ka lang pumili ng isa sa listahan o puwede mong piliin ang opsyon sa auto-complete.
- Maingat na suriin ang email address bago mo ipadala ang iyong request.
- I-tap ang Ipadala ang request.
- May matatanggap kang notification na may ipinadalang request sa iyong contact sa pag-recover.
- May matatanggap ang iyong contact sa pag-recover na notification tungkol sa request mo kung saan nakalagay ang iyong pangalan, email address, at larawan sa profile.
Tip: 7 araw lang ang itatagal ng request. Pagkatapos, kailangan mong magsumite ng ibang request o pumili ng ibang contact sa pag-recover.
Tumanggap o tumanggi ng imbitasyong maging contact sa pag-recover
Mahalaga:
- Valid sa loob ng 7 araw ang request sa contact sa pag-recover.
- Kung nakatanggap ka ng request na maging contact sa pag-recover para sa isang taong hindi mo kilala, balewalain o tanggihan ito.
- Puwede kang maging contact sa pag-recover para sa 25 pangunahing account sa kabuuan. Nalalapat ang limitasyong ito sa lahat ng nakabinbin at tinanggap na imbitasyon.
Kung na-request ka ng ibang user na maging contact sa pag-recover, may matatangga kang email na notification.
- Pumunta sa iyong Gmail.
- Hanapin ang imbitasyong request na maging contact sa pag-recover.
- I-tap ang Suriin ang request.
- Mapupunta ka sa page ng Mga contact sa pag-recover sa iyong Google Account.
- Posibleng kailanganin mong mag-sign in.
- I-tap ang Tanggapin
o Tanggihan
.
- Kung tatanggapin mo:
- May matatanggap ang user na notification na nagpapaalam sa kanya na contact sa pag-recover ka na niya ngayon.
- Ipapadala ang email na notification sa kanyang pangunahing email address at email address sa pag-recover.
- Kung tatanggi ka:
- Walang matatanggap ang user na notification na tinanggihan mo ang imbitasyon.
- Malalaman ng user na kasalukuyan kang hindi available na maging contact sa pag-recover.
- Hindi siya makakapagpadala sa iyo ng isa pang request sa loob ng 4 na araw.
- Kung tatanggapin mo:
Tip: Mawawala ang request sa page ng Mga contact sa pag-recover pagkalipas ng 7 araw.
Pamahalaan ang mga contact sa pag-recover at imbitasyon
Para suriin at i-delete ang mga nakabinbing imbitasyong maging contact sa pag-recover, puwede kang pumunta sa iyong page ng Mga contact sa pag-recover. Mula roon, makikita mo ang kasalukuyang status ng imbitasyon.
Tip: Kung hindi tinanggihan ng user ang iyong imbitasyon, puwede kang magpadala ulit ng hanggang 2 imbitasyon sa isang araw para maiwasan ang pag-spam. Gayunpaman, kung tatanggihan niya ito, hindi ka na makakapagpadala sa kanya ng isa pang imbitasyon sa loob ng 4 na araw.
Mag-alis ng contact sa pag-recover
- Buksan ang iyong Google Account.
- I-tap ang Seguridad at pag-sign in.
- Sa seksyong “Paano ka nagsa-sign in sa Google,” i-tap ang Mga contact sa pag-recover.
- Posibleng kailanganin mong mag-sign in.
- I-tap ang Trash
.
- Para mag-delete ng contact, i-tap ang Kumpirmahin.
Gumamit ng contact sa pag-recover
Mahalaga:
- Bago ka makagamit ng contact sa pag-recover, kailangan mo muna siyang idagdag sa iyong account. May panahon ng paghihintay bago ka matulungan ng contact sa pag-recover na ma-recover ang iyong account.
- May hanggang 7 araw ang iyong contact sa pag-recover para tanggapin ang request mo.
- May dagdag na 7 araw bago mo siya magagamit para sa pag-recover ng account.
- Hindi ka puwedeng magdagdag ng contact sa pag-recover habang naka-lock out ka sa iyong account o sa proseso ng pag-recover ng account.
Kung hindi ka makapag-sign in sa iyong account, makipag-ugnayan sa iyong contact sa pag-recover.
- Mare-redirect ka sa page ng pag-recover ng account kapag hindi ka maka-log in.
- Puwede mong piliin ang iyong contact sa pag-recover sa listahan ng mga challenge o puwede kang makakuha ng prompt na makipag-ugnayan sa iyong contact sa pag-recover.
- I-tap ang Kumuha ng numero.
- Sa susunod na page, may makikita kang numero.
- Inirerekomenda naming makipag-ugnayan ka kaagad sa iyong contact sa pag-recover dahil mag-e-expire ang numero sa loob ng 15 minuto.
- Ibigay ang numero sa iyong contact sa pag-recover.
- Makakakuha ang iyong contact sa pag-recover ng 3 magkakaibang numero sa kanyang device. Para kumpirmahin, kailangan niyang piliin ang numerong tumutugma sa ibinigay mo sa kanya.
Mga Tip:
- Kung mag-e-expire ang iyong numero, puwede kang makakuha ng isa pang numero para sa iyong contact sa pag-recover o puwede mong subukang mag-sign sa ibang paraan.
- Kung ginamit ang iyong contact sa pag-recover pero kailangan pa rin ng higit pang pag-verify, ilalagay sa pansamantalang security hold ang iyong account. Sa pagkaantalang ito, aabisuhan ka namin na may ginawang request sa pag-recover ng account. Sa ganoong paraan, kung ginamit ang contact sa pag-recover nang hindi mo nalalaman, may panahon ka pang tanggihan ang request at i-secure ang iyong account. Matuto pa tungkol sa kung paano nakakatulong ang pagkaantalang ito na protektahan ang iyong account.