Mahalaga: Hindi sa lahat ng bansa available ang feature na ito.
Baguhin ang iyong personal na impormasyon
Puwede kang mag-edit ng personal na impormasyon gaya ng iyong impormasyon ng pronoun.
- Pumunta sa iyong page ng Google Account.
- Piliin ang Personal na impormasyon.
- Sa ilalim ng “Piliin kung ano ang nakikita ng iba,” piliin ang Tungkol sa akin.
- Piliin ang impormasyong gusto mong baguhin.
- Gumawa ng mga pagbabago.
Ano ang mga pronoun?
Sa tulong ng iyong mga pronoun, malalaman ng ibang tao kung ano ang itatawag sa iyo. Napapabuti ng mga ito ang pakikipag-ugnayan at tanda ng respeto ang mga ito.
Kasalukuyang hindi available sa lahat ng wika o rehiyon ang feature na Mga Pronoun. Lalabas ang Mga Pronoun sa wika kung saan na-set ang mga ito, anuman ang mga kasalukuyang setting ng wika.
Sa seksyong “Mga Pronoun” ng iyong Google account, magagawa mong:
- Pumili sa hanay ng mga kasalukuyang pronoun.
- Magdagdag ng mga custom na pronoun.
- Piliing hindi magtakda ng mga pronoun.
- Piliin kung sino ang makakakita ng iyong mga pronoun.
Piliin kung sino ang makakakita ng iyong mga pronoun
Bilang default, hindi ibinabahagi ang iyong mga pronoun sa ibang taong gumagamit ng mga produkto at serbisyo ng Google. Para piliin kung sino ang makakakita ng iyong mga pronoun, sa Google Account mo, pumunta sa seksyong “Tungkol sa akin” at i-edit ang visibility para gawin itong “Ikaw lang,” “Iyong organisasyon” o “Lahat.”
Paano ginagamit ng Google ang iyong mga pronoun
Kung pipiliin mong magpakita ng mga pronoun, lalabas ang mga ito kapag may tumitingin ng iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan o mag-hover sa avatar mo sa Gmail, Chat, o iba pang produkto ng Google. Ipapakita rin ang mga ito sa tabi ng iyong larawan sa Google Meet.
Hindi ginagamit ang impormasyon ng pronoun para sa mga ad o iba pang feature ng pag-personalize.